KARAPATAN NG PASYENTE
Bilang pasyente IKAW ay may karapatan ayon sa batas na:
1. MALAMAN
- Ang inyong karapatan sa isang wika na iyong naiintindihan.
- Ang mga pangalan at departamento ng mga manggagamot at kawani na kakalinga sa iyo habang ikaw ay nasa ospital.
- Ang uri, sanhi at kahihinatnan ng iyong karamdaman.
- Ang lahat ng pamamaraang gagamitin na panlunas sa iyong karamdaman, ang mga benepisyo, posibleng komplikasyon at ang halaga ng gamitang gagawin sa iyo.
- Ang iba pang "alternatibong" pamamaraan ng panlunas sa iyong karamdaman, maging ang pagtutol mo sa gagawing panggagamot sa iyo at ang kahihinatnan ng pagtutol mo sa nasabing pamamaraan.
2. MAKATANGGGAP NG PANGANGALAGANG MEDIKAL NA
- Walang pinipiling lahi, relihiyon, kasarian, kapansanan, oryentasyong sekswal o antas ng pamumuhay na lipunan.
- May paggalang, pang-unawa at ibinibigay sa isang malinis, Malaya at ligtas na kapaligiran.
- Naayon sa iyong pangangailangan pangkalusugan, tugma sa nilagdaan mong pahintulot, pagpapasiya at pagpapahalaga.
- Maagap at akma sa iyong pangangailangan.
3. MAPANGALAGAAN ANG IYONG "privacy at confidentiality" ng mga impormasyon at talaan tungkol sa iyong kalusugan.
4. MAPAGPAYUHAN, MAKIBAHAGI AT TUMANGGING MAKIBAHAGI sa pananaliksik na medical, mabigyan ng impormasyon sa layunin at pamamaraan ng gagawing pananaliksik at MABIGYAN ng kasiguraduhan sa iyong pagtanggi sa gagawing pananaliksik ay hindi makakaapekto sa iyong kalusugan.
5. MAKIBAHAGI sa lahat ng mga pagpapasya tungkol sa pagpapagamot at paglabas sa ospital.
6. MAILAHAD ng walang takot ang anumang reklamo sa tinanggap na pangangalaga at serbisyo, MABIGYAN ng ospital ng karampatang tugon ang reklamong ipinaratang ng namumuno ng ospital.
7. MAPAHINTULUTAN ang kapamilya at iba pang tao na bumisita sa iyo ng ayon sa iyong kakayahang tumanggap ng bisista at ayon sa patakarang ipina-iiral ng ospital.
TUNGKULIN NG PASYENTE
Bilang pasyente IKAW rin ay may tungkulin/responsibilidad na:
1. MAGBIGAY ng totoo at buong impormasyon hingil sa iyong dati at kasalukuyang kalusugan kasama na ang mga gamot na dati at kasalukuyang ginagamit, mga pamamalagi sa ospital at iba pang uri ng ginagawang pagpapagamot, mga operasyong naisagawa sa at mga "allergies".
2. KILALANIN ang mga doctor, nurses at iba pang kawani ng ospital na nangangalaga sa iyong kalusugan.
3. MAKIBAHAGI sa pagpapasiya ukol sa iyong kalusugan.
4. TIYAKIN na ang kasamang magbabantay sa iyo (kapamilya o kaibigan) ay maasahan at makakausap ng maayos.
5. MAGTANONG ukol sa tunay na kalagayan ng iyong karamdaman, mga posibleng lunas, komplikasyon, benepisyo at halaga ng gamutang gagawin sa iyo.
6. MAGTANONG kailanman kung hindi nagiging malinaw sa iyo ang mga impormasyong tinanggap o ang mga itinurong pangangalaga na dapat gawin sa iyo.
7. SABIHIN sa mga tagapagkalinga kung sakaling may problema ka sa pagsunod sa napagkasunduang plano ng gamutan para sa iyong karamdaman.
8. SUNDIN ang mga alituntunin/patakaran ng ospital tungkol sa pangangalaga, seguridad, kilos/asal ng mga pasyente.
9. ISAALANG-ALANG at IGALANG ang mga karapatan ng ibang pasyente at mga kawani ng ospital kasama ang mga panuntunang ipina-iiral ng ospital tungkol sa ingay, paninigarilyo at pagtanggap ng panauhin.
10. MAAGAP na bayaran ng lahat ng "hospital bolls" ayon sa patakaran ng ospital.
11. MAAGAP na pabili/pagsasadya ng anumang gamot o kagamitan na kakailanganin sa pagpapagaling ng pasyente na wala o hindi maibigay ng ospital.
12. TANDAAN na bukod sa pangangalagang ipinaglilingkod ng ospital sa iyo, ang nakaugalian mong estilo ng pamumuhay (lifestyle), pansariling pangangalaga ay may malaking epekto sa iyong kalusugan.